Kanina nagpagupit ako kay mang Fermin, barbero yun ng lolo ko at lahat ng tito ko at syampre ng tatay ko nung nabubuhay pa sya... sa madaling sabi eh tumanda na din sya sa pamilya namin. Mahusay naman mangupit si mang fermin, kaya lang habang nagpapagupit ka eh sari saring kwentong barbero ang maririnig mo. Masmahaba pa ng kwento nya kaysa sa tagal ng ipapagupit mo.
Lahat na yata ng bagay naikwento na sakin ng barbeong yun, kung paano si Erap nung mayor pa, paano nagkaroon ng buhok ang tatay ko, paano tinuli ang nga tito ko at kung ano ano pang mga bagay na wala sana akong interes malaman, kung hindi lang nya hawak ang ulo ko at matatalas ng gunting eh, babarahin ko na sya.
Isa sa mga kwentong napaisip ako eh nung sinabi nya na ang mga patay daw eh masmakapangyarihan kaysa sa buhay. Kinilabutan ako ng marinig ko ito. Ano? masmakapangyarihan ang patay? Bakit naman nagkaroon ng pakialam ang mga patay sa mga buhay. Tapos tinanong nya ako kung ano ang aking mga kakayahan... ang sabi ko eh madami syempre, madami ako maaring gawin dahil mabubuhay pa ako... tapos tinanong nya kung si ninoy, osmena at quezon daw, ano ang mga kakayahan ngayon.... napaisip ako... ang sinagot ko eh wala dahil patay na sila. Tapos si mang fermin ay natawa, ako daw ay nagkamali dahil mas makapngyarihan pa sila dahil sila ay nakatatak sa papel at ang papel na iyo ang nagpapaikot ng tumbong ng buong bansa.
Hmm... mukang tama nga... naisahan ako ng matandang ito ha, akala ko naman horror ang ikwento nya tungkol sa mga patay eh mga tao sa pera lang pala ang pinaguusapan. Pero pag inisip mo tama nga ang sinasabi nya... hindi ba't pera ang dahilan ng kalungkutan, kapaguran, kasiyahan, kasakiman, at kung ano ano pang emotion. Pera nalang ang ugat ng lahat at dahilan ng pagikot ng mundo. Araw araw ay gigising ka kung paano kikitain ito at paano ito gagastosin hanggang sa pagtulog mo eh ito pa din ang iniisip.... paano nga ba? paano nga ba manging makapangyarihan kaysa sa pera??
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment