Hindi ba kayo nalilito sa mga bagong lumalabas tungkol sa pagkatao ni Jesus? Para bang ang daming controversy na pinadududahan ang mga tunay na kaganapan sa buhay ng ating panginoon. Para bang ang lahat eh interesadong malaman kung ano itong mga scandal na ito. Lahat may oas para basahin yung mahahabang novels, o kaya abangan ang palabas sa TV patungkol dito.... e magsimba ng isang oras, o magbasa ng bible eh parang ang hirap gawin.
Ang masama dito ay para bang masiteresado mabasa ang mga scandal kesa paniwalaan ang mga kabutihan na nagawa ni Jesus. E ano naman ngayon kung nagkarelasyon sila ni Magdalena, o kung talagang pinagutusan nya si Judas na pipagkaluklukan sya sa mga Hudyo.
Hindi ba parte ng pagiging tao ni Jesus ang magpaka-tao??? Hindi ba mas importante na tignan natin ang kabutihan itinuturo ng buhay ni Jesus? Hay…… san na nga ba patungo ang ating pananampalatay??
No comments:
Post a Comment